Default Thumbnail

Kelot tatawid, nasalpok, nakarating sa kabilang buhay

April 29, 2024 Jojo C. Magsombol 77 views

NAUWI sa kamatayan ang pagtawid ng lalaki ng matumbok ng motorsiklo habang papatawid sa Tanay-Pililla Road sa Sitio Cumbo, Brgy. Hulo, Pililla, Rizal.

Ang nasawi ay kinilalang si Danilo Dela Cruz Flores ayon sa Pililia town police.

Base sa imbestigasyon, papatawid si Danilo Dela Cruz Flores sa kalye alas- 10:00 ng umaga ng masalpok ng itim na Suzuki Raider na minamaneho ng lalaking rider galing sa Tanay, Rizal.

Tumilapon ang rider at si Flores dahil sa bilis ng takbo at bumagsak na mga duguan sa kalye.

Isinugod ang dalawa sa Rizal Provincial Hospital System sa Morong, Rizal pero idineklarang dead-on-arrival ng attending physician si Flores.

AUTHOR PROFILE