BBM Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Army Command Conference sa Heroes Hall, Malacañang Palace Source: PCO

Bagong defense strategy tinalakay sa PA command conference ni PBBM

May 15, 2024 Chona Yu 68 views

SUMENTRO sa Comprehensive Archipelagic Defense Concept ang ginawang command conference ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga opisyal ng Philippine Army (PA) sa Palasyo ng Malakanyang.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil, tinalakay ang pagpapalakas ng PA para sa depensa sa karagatan at teritoryo ng Pilipinas.

“Sa Philippine Army (PA) Command Conference ngayong araw, sentro ng talakayan na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga hakbang ng PA upang suportahan ang Comprehensive Archipelagic Defense Concept para sa depensa ng karagatan at teritoryo ng Pilipinas,” pahayag ni Garafil.

“Pinag-usapan din ang mga update sa pagpapabuti ng kakayahan ng ating militar sa pamamagitan ng PA Capability Development Program,” dagdag ni Garafil.

Ipinatupad ng Pilipinas ang bagong defense strategy sa gitna ng pagiging agresibo ng China sa West Philippine Sea.

Dumalo sa command conference sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Special Assistant to the President (SAP) Secretary Antonio Lagdameo Jr., Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro Jr., Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr., PA Commanding General, Lieutenant General Roy Galido at si Garafil.

AUTHOR PROFILE