Default Thumbnail

2 suspek sa sex assault, 1 sa droga laglag sa Laguna

April 30, 2024 Gil Aman 63 views

CAMP BGEN Paciano Rizal–Dalawang suspek sa sexual assault at isa sa illegal drugs ang nalambat ng mga pulis-Laguna noong Lunes.

Kinilala ni P/Col. Gauvin Mel Unos, acting director ng Laguna Police Provincial Office, ang mga naaresto na sina alyas Gavin, alyas John at alyas Marlon.

Sa report ni PLt. Col. Milany Martirez, hepe ng Calamba City police, unang natimbog si alyas Gavin dakong alas- 12:25 ng tanghali sa Brgy. Sampiruhan, Calamba City, dahil sa sexual assault.

Sa isa pang manhunt, nasakote naman si alyas John ganap na ala-1:40 ng hapon sa Brgy. Sampiruhan, Calamba City sa parehong kaso.

Tiklo naman si alyas Marlon ganap na ala-1:50 ng hapon sa Brgy. Oobi, Majayjay, Laguna dahil sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Acts of 2002.

Nasa kustodiya na ng Calamba at Majayjay police ang mga nahuli, ayon kay Unos.

“Hangad ng inyong kapulisan na maipagkaloob ang hustisyang nararapat para sa mga biktima ng kriminalidad. Hindi kami mapapagod sa paglilingkod at pagbibigay ng proteksyon sa ating mga mamamayan dahil iyan ang aming sinumpaang tungkulin,” sabi ng hepe ng pulisya.

AUTHOR PROFILE