Default Thumbnail

7-anyos nalunod nang di namamalayan ng tiyuhin

April 30, 2024 Jojo C. Magsombol 70 views

NALUNOD ang isang 7-taong gulang na bata habang naliligo sa San Juan River kasama ang kanyang tiyuhin noong Linggo sa Brgy. Poblacion, Malvar, Batangas.

Taga-Brgy. San Pioquinto, Malvar, Batangas ang nalunod, ayon sa mga pulis.

Lumalabas sa imbestigasyon na bandang alas-2:10 ng hapon nalunod ang bata pere nalaman ng mga pulis makalipas ang isang oras mula sa security guard ng Daniel O. Mercado Medical Center kung saan dinala ang nalunod.

Kasama ng biktima ang kanyang tiyuhin na si Jayson Bueta Magno ng pumunta sa ilog para maligo.

Aksidenteng napunta ang biktima sa malalim na bahagi ng ilog at nalunod ng hindi namalayan ng tiyuhin.

Natagpuan ng tiyuhin ang wala nang buhay na biktima kaya isinugod sa ospital at doon idineklarang patay na pagdating.

AUTHOR PROFILE