Lacuna1

CGSO officials pinasalamatan ni Mayor Honey

April 29, 2024 Edd Reyes 76 views

PINASALAMATAN ni Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan ang mga opisyal ng City General Services Office (CGSO) sa magandang serbisyo sa syudad.

Aprubado sa alkalde ang performance ni CGSO Office-in-Charge Thelma Perez at lahat ng chief administrator ng bawat departamento dahil sa wastong imbentaryo ng lahat ng gamit ng bawat tanggapan.

“Dapat po ang inyong pangangalaga sa lahat ng gamit sa inyong mga tanggapan parang pag-aalaga na rin n’yo ng inyong ari-arian sa loob ng inyong tahanan,” pahayag ng alkalde.

Sabi ng alkalde kaakibat ng magandang performance ng CGSO ang responsibilidad na gamitin ng maayos at pangalagaan ng wasto ang lahat ng property ng Maynila.

“Kasi, hindi naman po mura ang ating binibili. Pondo po ng bayan ang ating ginagamit kaya mahalin natin ang lahat ng ating mga kagamitan sa ating lungsod,” dagdag pa ni Mayor Honey.

Nauna ng nanawagan si Perez sa mga tanggapan na tulungan sila, partikular sa tamang imbentaryo ng mga gamit at pagbigay-alam sa kanilang tanggapan kung ililipat ang alinman sa mga ito ng puwesto o ililipat sa ibang lugar.

“Sana ipaalam n’yo sa amin para ma-update sa aming database at ng sa ganun po pag report po natin sa COA (Commission on Audit) akma po ang ating mga report.

Gayundin naman po ang pagme-maintain ng property ledger card at inventory supply card. Kailangan natin ito sa bawa’t departamento in case na mag-random check ang COA,” sabi ni Perez.

AUTHOR PROFILE