BOC HINDI PINALUSOT–Ang mga operatiba ng BOC-NAIA habang nagsasagawa ng inventory sa mga nakumpiskang illegal drugs.

P3.5M kush, cannabis oil nasabat ng BOC-NAIA

April 29, 2024 Jun I. Legaspi 77 views

NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang 2,536 grams ng marijuana o kush at 70 vape pens na naglalaman ng cannabis oil na may total value na mahigit P3.55 million.

Itinago ang mga kargamento sa limang parcels na idineklara bilang car seat cover, coffee mugs at mga libro mula sa US at Canada.

Natukoy ang mga kontrabando nang dumaan ang parcels sa X-ray at K9 inspection na sinundan ng physical examination.

Nagpadala ang mga tauhan ng BI ng sample ng kontrabando sa Philippine Drug Enforcement Agency para isalalim sa laboratory testing at confirmation na lumabas na positibo.

Kapwa ikinukunsidera ang mga kontrabando bilang dangerous drugs at substances sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Dahil dito, sasampahan ng kaso ang mga consignees ng mga parcel ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at Customs Modernization and Tariff Act.

Nangako naman ang BOC-NAIA sa pamamagitan ni District Collector Yasmin Mapa na mananatili ang kanilang commitment para sa pagpapalakas ng border measures laban sa pagtatangkang mag import ng dangerous drugs.

“The Bureau thru these seizures significantly aided the national government in protecting our communities from potential threats of the proliferation of dangerous drugs and substances to health and safety of our citizenry,” pahayag ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio.

AUTHOR PROFILE