Default Thumbnail

Outing nag-ending sa luksa, anak nalunod

April 30, 2024 Gil Aman 151 views

NAUWI sa trahedya ang masaya sanang outing ng pamilya at magbabakarda sa Laguna ng malunod ang isang miyembro ng grupo sa Riverview Resort sa Brgy. Parian, Calamba City, Laguna noong Lunes.

Kinilala ni P/Lt. Col. Milany Martirez, hepe ng Calamba City police, ang biktima na si Mark Jason Berueda.

Ayon sa ulat, alas-6:30 ng gabi ng madiskubre ng kanyang ama ang katawan ng anak na nakalutang sa swimming pool ng resort.

Ayon sa imbestigasyon na pansamantala, iniwan ang anak kasama ang kaibigan at kaanak sa public resort saka naman naglaro ito ng basketball.

Subalit laking gulat ng ama matapos makita itong nakalutang na hinihinalang wala ng buhay.

Agad isinugod sa CMC Hospital ang biktima kung saan idineklara ni Dr. Irene Lukban na wala na itong buhay.

AUTHOR PROFILE