Default Thumbnail

Gov nanguna sa blessing, inauguration ng Samal library, museum

May 21, 2024 Christian D. Supnad 111 views

SAMAL, Bataan–Binasbasan at pormal na binuksan noong Mayo 20 ang aklatan at museo ng Samal sa pangunguna nina Gov. Joet Garcia, Father Josue Enero at Samal Mayor Alex Acuzar.

Matatagpuan sa tabi ng munisipyo ng Samal, bukas ang library-museum ng libre para sa lahat ng gusto magbasa ng mga libro na ang karamihan donasyon ng mga nongovernment organizations. May mga computers din para sa mga nais magsaliksik.

Makikita sa museum ang mga artworks, paintings, at sculptures na likha ng PeninsulArtes at iba pang manlilikha mula sa Samal, ani Gov. Garcia.

Dumalo sa blessing-inauguration sina Bokal Atty. Tony Roman III; Danica Tigas-Rodriguez, OIC ng Provincial Tourism Office; Samal Vice Mayor Ronnie Ortiguerra; Jayper Merla ng Cultural Heritage Division, mga kinatawan ng DTI-Bataan, COMELEC-Bataan at mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Samal.