Landing Ang aircraft na nag-emergency landing sa La Union. Source: Coast Guard District North Western Luzon

2 sugatan sa bumagsk ng Cessna sa La Union

May 21, 2024 Jun I. Legaspi 175 views

DALAWANG pasahero ang nasugatan matapos na bumagsak sa dagat sa La Union ang sinasakyang Cessna 172 aircraft nitong Martes ng umaga.

Patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng mga biktima.

Batay sa inisyal na ulat ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang insidente ay naganap dakong 9:00 ng umaga sa dalampasigan ng Barangay Canaoay, San Fernando, La Union.

Napag-alaman na ang 4-seater Cessna plane na may body number na RP-C6923 ay nag-take off mula sa San Fernando Airport dakong 8:23 ng umaga.

Gayunman, hindi pa nagtatagal sa ere ay agad na tumawag ang aircraft sa San Fernando Tower at nagdeklara ng emergency.

Agad rumisponde ang mga awtoridad sa pinangyarihan ng krimen at dinala sa pagamutan ang dalawa.

Sa ngayon, patuloy ang ginagawang imbestigasyon sa insidente upang matukoy ang dahilan ng pagbagsak ng aircraft. Nina JUN I. LEGASPI & ZAIDA DELOS REYES

AUTHOR PROFILE