Kulong

Suspek sa rape huli sa Rizal

May 21, 2024 Jojo C. Magsombol 77 views

KAMPO MAJOR HENERAL LICERIO I. GERONIMO, Taytay, Rizal–Swak sa mainit na selda ang suspek sa panggagahasa matapos maaresto sa Brgy. San Juan, Taytay, Rizal noong Linggo.

Nadakma sa operasyon ng Taytay police ang suspek na si alyas Lem, construction worker na residente ng Taytay, Rizal, ayon sa report ni Rizal police director P/Col. Felipe Maraggun kay Calabarzon police chief P/Brigadier Gen. Paul Kenneth Lucas.

Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong panghahalay at walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng San Mateo Custodial Facility para sa tamang disposisyon ang suspek.

AUTHOR PROFILE