Sunshine Larawan mula sa IG/Sunshine Guimary

‘Dibdiban

May 21, 2024 People's Tonight 85 views

DIBDIBAN kung umawra ang Vivamax actress na si Sunshine Guimary sa mga bago nitong larawan sa social media.

Sa kanyang latest Instagram post, wala mang totoong pagkain na nakahain sa mga larawang ibinahagi niya, busog-lusog naman ang mata ng mga barakong one to sawa kung titigan ang malulusog na boobey ng “Kaka” actress.

Makikita siyang enjoy sa paglublob sa isang dagat sa Cebu suot ang animal print niyang bikini.

Namintana ang kanyang dyoga at perpektong kurba sa larawan. Tila bet na bet ng mga ito na mag-hello sa mga male fans ni Sunshine na izo-zoom na naman ang pictures niya.

Ang netizens tuloy ay dibdiban din ang labanan para mapansin sila ni Sunshine.

Hindi magkandaugaga ang mga kalalakihan sa kanyang post. Ang gaya ni Sunshine ay tila isang bagyong may hatid na kaseksihan. Ang kanya tuloy comment section ay binaha ng fire emojis at mga puso ng netizens.

Nakilala si Sunshine sa kanyang pagganap sa mga proyekto kabilang na ang Kaka (2021), Shoot shoot! Di ko siya titigilan! (2021), at House Tour (2021).

AUTHOR PROFILE