BOC

Magandang performance ng BOC inilatag sa DOF Execom meeting

May 21, 2024 People's Tonight 88 views

INILATAG ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio sa ipinatawag na Executive Committee meeting ng Department of Finance (DOF) ang magandang performance ng Bureau of Customs (BOC).

Batay sa paunang ulat, ang BOC ay nakakolekta ng P330.27 bilyon mula Enero hanggang Mayo 13, 2024. Lagpas ito ng P12.41 bilyon o 3.90 porsyento sa itinakdang target na P317.87 bilyon sa naturang panahon.

Mas mataas din ito ng 7 porsyento sa P308.65 bilyon na nakolekta sa kaparehong panahon noong 2023.

Iprinisinta rin ni Commissioner Rubio ang first-quarter report ng BOC kaugnay ng dami ng mga import kasama ang oil at non-oil commodities.

Nagbigay din ang BOC ng update sa Philippines Customs Modernization Project (PCMP) at idinetalye ang ginawang pakikipagpulong nito sa World Bank at update sa aplikasyon para sa VAT refund.

Sa pina-igting na border protection ng BOC, iniulat ng ahensya na nakapagsagawa ito ng 132 pag-aresto sa unang quarter ng taon kung saan P28.02 bilyon ang halaga ng kargamentong nakumpiska gaya ng sigarilyo at iligal na droga.

Sa ilalim ng fuel marking program, nakapag-marka ang ahensya ng 7.01 bilyong litro ng produktong petrolyo.

Kinilala rin ng BOC ang kahalagahan ng mga hakbang upang mapanatili ang financial stability at seguridad ng bansa at iginiit ang pagpapatuloy ng mga operasyon at paggawa ang mga estratehiya upang maabot ang layunin ng ahensya.

“The BOC remains committed to contributing to DOF’s goal of fostering national socio-economic growth by collecting additional revenue for our fellow Filipino people and guarding the country’s borders,” ani Commissioner Rubio.

Kasama rin sa naturang pagpupulong ang Bureau of Internal Revenue.

AUTHOR PROFILE