BBM

Chiz suportado ni PBBM bilang Senate pres

May 21, 2024 Chona Yu 79 views

KUMPIYANSA si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bibigyang prayoridad ni bagong Senate President Chiz Escudero ang mga panukalang batas na magsusulong ng Bagong Pilipinas programs ng gobyerno.

Ito ang pahayag ni Pangulong Marcos matapos palitan ni Escudero si dating Senate President Juan Miguel Zuburi. Ayon kay Pangulong Marcos, suportado niya ang liderato ni Escudero.

Hindi umano maikakaila na maganda ang legislative record ni Escudero.

“I extend my support to the new Senate President, Chiz Escudero. His legislative record and commitment to public service has distinguished him as a dedicated leader,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“Sen. Chiz steps into this role following the commendable tenure of Sen. Migz Zuburi and I am confident that under his leadership, the Senate will continue to prioritize transformative laws to achieve our shared vision for a Bagong Pilipinas,” dagdag ng Pangulo.

Abogado si Escudero at nagsilbing kongresista ng Sorsogon bago nahalal na senador. Bukod kay Escudero, nagkaroon din ng rigodon sa Senado.

Nahalal sa bagong puwesto sina Sen. Jinggoy Estrada bilang Senate Pro Tempore habang si Sen. Francis Tolentino nahalal bilang bagong Senate Majority Leader at si Sen. Alan Peter Cayetano ang bagong chairman Senate committee on Accounts.

AUTHOR PROFILE