Default Thumbnail

RIT huli dahil sa nakaw na cp

May 15, 2022 Jonjon Reyes 296 views

DAHIL sa inilatag na manhunt operation ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) nabuslo ang tinaguriang ‘riding in tandem(RIT’ makaraang magreklamo ang isang 27-anyos na lalaki nang kunin ng mga suspek ang mobile phone nito sa Malate, Manila nitong Huwebes ng madaling araw.

Dahil na rin sa direktiba ni MPD-Director P/ Brigadier General Leo ” Paco” Francisco na pairalin ang Simultanious Anti- Criminality Law Enforcement Operation ( SACLEO), swak sa selda ang dalawa na nakilalang sina Daniel Duallo, 44, anyos at si Ferdinand Guevarra , 24, kapwa residente ng Tubera Street, Tondo.

Base sa ulat ni P/ Lt. Ramel Lucero, hepe ng MPD-Theft and Robbery Section, na isinumiti kay P/ Major Rommel Anicete, ng Criminal Investigation Section, nagreklamo si Jerome Janer, room boy sa isang hotel, na diumano’y sapilitang kinuha ng mga suspek ang kanyang mobile phone sa Malvar St, sa Malate , bandang 5 a.m.

Bumaba umano sa motorsiklo si Duallo na siyang angkas ni Guevarra, saka sapilitang hinablot ang mobile phone ng biktima na OPPO F9 na nakalagay sa beltbag.

Pinagbantaan pa umano ng dalawa kung hindi ibibigay ang cellular phone ay may mangyayaring masama dito.

Matapos maghain ng reklamo ang biktima ay nagsagawa ng follow up operation ang pulisya.

Kinabukasan ng dakong 5:00 ng madaling araw, namataan ng mga operatiba na paikot-ikot sa lugar ng Malvar Street ang magkaangkas sa walang plate number na motorsiklo.

Sa panulukan ng Taft Avenue at Pedro Gil St.sa Malate, nagawang sitahin ang tinaguriang RIT kung kayat pinigal sila at hinarap sa biktima.

Mariin naman silang kinilala ng biktima na responsable sa ginawang pagtangay ng celfone.

Dahil dito, naniniwala si General Francisco na nalagasan ang mga salot sa Maynila. Ni JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE