Martin1 Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez

Speaker Romualdez tinalakay healthcare agenda para sa mga Pinoy

April 28, 2024 Ryan Ponce Pacpaco 94 views

PRAYORIDAD ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagpapabuti sa serbisyong pangkalusugan at pangangalaga sa mga Pilipino, ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.

Sa kanyang talumpati sa mga kapwa alumni ng Cornell University sa ginanap na Spring Brunch and Education Forum sa Tagaytay City, sinabi ni Speaker Romualdez na mayroong “transformative journey” na inilalatag ang Kamara upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga Pilipino.

“I am elated to report that the House of Representatives— your House—has embarked on a transformative journey to elevate health services and primary care for all Filipinos,” ayon kay Romualdez, pinuno ng Kamara na mayroong mahigit 300 kinatawan.

“We are not just lawmakers; we are collaborators, working closely with executive agencies to uplift the living conditions under President Ferdinand Marcos Jr.’s administration,” dagdag pa ng mambabatas.

Pinangunahan ni Speaker Romualdez ang pagtitipon kasama ang mga kapwa Cornellians, na nagsasagawa ng mga pag-aaral sa pagpapabuti sa sektor ng kalusugan at agrikultura sa bansa.

Si Speaker Romualdez ay nagpatuloy ng kanyang undergraduate studies sa Cornell University sa United States mula 1981 hanggang 1985, at nagtapos ng Bachelor of Arts degree in Government.

Isa sa inisyatibang isinusulong ni Speaker Romualdez ang komprehensibong pagsusuri sa charter ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), ang pangunahing health insurer ng bansa.

Layunin ng hakbang na baguhin ang PhilHealth upang maging akma sa pangangailangan at upang maipakita ang kagandahan ng health maintenance organizations o HMO.

“This shift is about more than expanding coverage—it’s about ensuring PhilHealth evolves into a pillar of our Universal Health Care System, providing a safety net that is robust, compassionate, and equitable,” ayon sa pinuno ng Kamara.

Binigyan-diin din ni Speaker Romualdez ang kahalagahan na matulungan ang mga mayroong breast cancer.

Sa naging pagdiriwang ng National Women’s Month, tumugon ang PhilHealth sa mungkahi ng Kamara na itaas ang benefit package para sa mga breast cancer patient sa P1.4 milyon, mula sa dating coverage na P100,000.

Nagpapasalamat din si Romualdez sa mabilis na naging aksyon ng PhilHealth, gayundin ang pagbibigay ng free annual mammogram at ultrasound services, na ipatutupad na sa Hulyo.

Sinabi ni Romualdez na ang hakbang ay isang patunay ng dedikasyon ng administrasyong Marcos para sa pangangalaga ng kalusugan ng publiko, at pagtiyak na ang kababaihan ay makatatanggap ng kinakailangang serbisyong medikal.

Tinukoy din ni Speaker Romualdez ang pagtatayo ng Philippine Cancer Center sa Quezon City na isang katunayan ng pagmamalasakit ng kasalukuyang administrasyon.

“It is a landmark in our healthcare infrastructure, focusing on the plight against cancer, which touches the lives of so many of our citizens,” ayon kay Romualdez.

Ang center ay itatayo sa 5,000-square-meter lot sa loob ng Philippine Blood Center complex sa Diliman, bilang “modern teaching and research hospital.”

Bawat isa sa 20 palapag na gusali ay nakatuon sa iba’t ibang uri ng kanser mula hepatic, renal, at gastrointestinal, maging sa lung, breast, reproductive organs of women, skin, at rare cancers.

Layunin ng cancer hospital na makapagbigay ng komprehensibong serbisyo na sumasaklaw sa pagsusuri, paggamot, pananaliksik, at suporta sa pasyente.

“Through these infrastructures, we aim to encapsulate the very essence of care and prevention taught to us at Cornell—knowledge in service of society,” ayon pa kay Romualdez.

Binanggit din ng pinuno ng Kamara ang ilang matagumpay na pagsasabatas ng lehislatura na nakatuon sa pangangalaga sa kalusugan.

Kabilang na ang pag-amyenda sa Universal Health Care Act na nagbibigay ng kapangyarihan sa Pangulo na suspendihin o baguhin ang nakatakdang pagtataas sa premium rates ng mga PhilHealth contributor.

Sinabi din ng mambabatas ang kahalagahan ng Magna Carta of Barangay Health Workers, upang mabigyan ang mga BHW ng nararapat na insentibo, benepisyo, at patuloy na pagsasanay, na nagpapalakas sa healthcare sa grassroots level.

Gayundin, ang pagtatatag ng Virology Institute of the Philippines, na magpapalakas sa kakayahan ng bansa sa pamamahala at pagpigil sa mga nakakahawang karamdaman.

Binigyan diin pa ni Romualdez, na ang Kamara ay aktibo sa pagpapanatili ng maayos na pagganap ng kanilang tungkulin, lalo na sa pagsubaybay sa pagpapatupad ng mga batas na may kinalaman sa kalusugan

Kabilang na dito ang pagsasagawa ng mga pagsisiyasat sa mga kakulangan sa pagpapatupad ng batas para sa mga senior citizen at mga taong may kapansanan, na layunin ang pagpapabuti sa benepisyo at serbisyo.

“Such oversight ensures that existing laws are effectively serving the public and that any discrepancies or inefficiencies are addressed promptly,” paliwanag pa ni Speaker Romualdez.

“As a result of these inquiries, senior citizens and persons with disabilities will soon be able to enjoy an increase to P500 per month in discounts on groceries and other prime commodities,” dagdag pa ng pinuno ng Mababang Kapulungan.

Tiniyak din ni Romualdez ang pagsuporta ng mga kinatawan ng Mababang Kapulungan para sa mas malawak na economic reforms at paghikayat ng mga mamumuhunan na makakatulong sa healthcare funding at infrastructure.

Paliwanag ng mambabatas, ito ay nangangailangan ng legislative measures na layunin ang pagbabago sa mga probisyong pang-ekonomiya sa Konstitusyon upang makahikayat ng mga mamumuhunan, na magresulta sa mas malaking pondo para sa mga serbisyong pangkalusugan.

“By inviting investments, we look to build a future where health services are not just a privilege but a fundamental right for every Filipino,” ayon pa kay Speaker Romualdez.

Sa pamamagitan ng pagiging handa at tamang pamamahala, sinabi ni Romualdez, na nagsasagawa na ang Kamara ng mga pagbabago at pagpapabuti sa healthcare system ng bansa.

“From the legislative chambers to the grassroots, our work is deeply rooted in the values we’ve garnered as Cornellians—aiming to ensure the effective delivery of health services and, ultimately, nurturing a healthier, more prosperous nation,” ayon kay Romualdez.

Kamakailan, tiniyak nina Speaker Romualdez at Tingog Partylist Rep. Yedda K. Romualdez ang paghiling sa PhilHealth na isama sa mga free diagnostic packages ang mga kinakailangan laboratory test sa mga hinihinalang nagtataglay ng tuberculosis.

Ang pahayag ay ipinarating ng mag-asawang Romualdez sa ginanap na health caravan sa Iloilo City kung saan may 1,000 magsasaka at mangingisda ang nakatanggap ng mga gamot at medical checkups, tulad ng X-rays, blood work, health screening at laboratory tests.

AUTHOR PROFILE