Crime

Lalaki utas sa riding-in-tandem

April 28, 2024 Jonjon Reyes 48 views

BINARIL at napatay ang isang lalaki ng riding-in-tandem sa Pricilla St. malapit sa estero sa Sta. Cruz, Maynila noong Huwebes

Base sa CCTV footage, makikitang dumaan ang dalawang hitmen sakay ng motorsiklo.

Bumaba ang backride at ang rider at ilang saglit pa lamang pinaputukan ng ilang beses ang biktima at tumakas na

Bago ang krimen, nakita pa sa CCTV ang pagmamasid ng mga suspek at ayon pa sa hindi na nagpakilalang testigo, nagtanong pa kung may tindang halo-halo sa lugar.

Makalipas ang ilang minuto, sunud-sunod na ang putok ng baril ang umalingawngaw sa lugar.

Isinakay sa tricycle ang biktima at isinugod sa ospital pagamutan pero hindi na umabot ng buhay.

AUTHOR PROFILE