Default Thumbnail

Kelot grinipuhan ng mag-utol, buhay

April 28, 2024 Melnie Ragasa-limena 53 views

SUGATAN ang isang lalaki ng saksakin ng magkapatid na suspek noong Linggo sa Quezon City.

Ginagamot pa sa ospital ang biktimang si Joseph Aguinaldo, 23, ng Brgy. Payatas B, Quezon City at pinaghahanap ng mga tauhan ng Quezon City Police District-Bagong Silangan (PS 13) ang magkapatid na si Aldrin at Badeng Baylon ng San Gabriel St. Brgy. Payatas A, QC.

Sa imbestigasyon ni PSSg Dexter Espino Jr., ng QCPD-Bagong Silangan, nangyari ang insidente dakong alas-12:00 ng hatinggabi sa Beatriz St., Brgy. Payatas A.

Nabatid na nag-iinuman ang biktima kasama ang saksing si Janine de Ocampo ng dumaan si Aldrin at hinamon ng suntukan ang biktima.

Bagamat agad na naawat ang dalawa, umalis si Aldrin pero bumalik kasama na ang kapatid na si Badeng.

Dito na sinaksak ni Badeng ang biktima at saka tumakas kasama si Aldrin.