MPD

MPD nakipagtulungan sa clearing ops sa Tondo, Divisoria

April 28, 2024 Jonjon Reyes 64 views
MPD1
MALAS–Pinangunahan nina MPD Chief PBGen. Arnold Thomas Ibay at Police Lieutenant Colonel Nelson Cortez ang police visibility kasabay ng One Time, Big Time clearing operation, partikular sa Divisoria. Kuha ni Jojo Cesar Magsombol

NAGLUNSAD ang Manila Police District ng isang One Time Big Time clearing operation sa pakikipagtulungan sa Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) at Department of Public Service sa Divisoria, Juan Luna-Binondo at Tondo sa Blumentritt sa Sta. Cruz, Manila.

Nilinis, inayos at inalis ang mga nakahambalang sa mga bangketa at maging sa mga kalye na posibleng magdulot trapiko sa nasabing lugar.

Kasabay nito ang mga tauhan naman ng Roxas Police Community Precinct na sakop ng MPD Malate Police Station 9 ang patuloy na ipapairal na Anti Criminality at provide ng Police Visibility.

AUTHOR PROFILE