Default Thumbnail

Dalagita 2x hinalay ng tambay

May 15, 2022 Jonjon Reyes 303 views

ISANG 16-anyos na dalagita ang hinalay umano makaraang maimbitahan sa inuman ng sa Tondo, Manila.

Sa tulong ng ilang barangay tanod, naaresto sa follow-up operation at natimbog ang itinuturong suspek na si Calvin Delos Santos, 19, binata , tambay ng Kagitingan St., Tondo.

Base sa ulat ni P/ Lt.Col.Harry Ruiz Lorenzo lll , pasado 4 p.m. nang mangyari ang umano’y panghahalay sa bahay na inuupahan ng suspek sa Tondo.

Sa report ng pulisya, nagkakilala ang dalawa sa Facebook at nang magkapalagayan ng loob inimbita ang dalagita na makipag-inuman sa suspek na pinaunlakan naman nito.

Bukod sa dalagita nag-imbita pa ng dalawang kaibigang babae ang suspek at sinimulan na nila ang inuman.

Nang malasing na ang dalagita at ang dalawang babae, dinala umano ng suspek sa mezzanine ang biktima saka hinalay umano.

Nang bumaba upang gumamit ng comfort room ang biktima sinundan ito ni Delos Santos, saka muli umano itong ginahasa.

Nang makarating sa ama ng dalagita ang sinapit nito sa kamay ng suspek, dumulog ito sa nakakasakop na barangay.

Pinuntahan ng mga kapulisan at mga barangay officials ang suspek at inimbitahan sa pulisya.

Bago itinurn over si Delos Santos, dinala muna sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang suspem para sumailalim sa medical examination.

Si Delos Santos ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 835 o Anti- Rape Law). Ni Jon-jon Reyes

AUTHOR PROFILE