Default Thumbnail

2 tulak ng droga timbog sa Malabon

May 15, 2022 Edd Reyes 238 views

KUMAGAT sa pain ng pulisya ang dalawang kilabot na tulak ng ilegal na droga na nagresulta sa kanilang pagkakadakip Linggo ng madaling araw sa Malabon City.

Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Albert Barot ang mga nadakip na suspek na sina Philip Jhon Villar, 38, ng Panghulo Road, Brgy. Panghulo at Nino Lacuata, 24, ng Palmario Pilapil, Brgy. Tonsuya na umano’y may kagagawan sa pagbebenta ng ilegal na droga sa Brgy. Santulan at mga kalapit na barangay.

Sa ulat na tinanggap ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Ulysses Cruz, nagkasa ng buy-bust operation ang mga tauhan ni Col. Barot dakong alas-2 ng madaling araw sa kahabaan ng Rodriguez St., Brgy. Santulan laban sa mga suspek na nagresulta sa kanilang pagkakadakip.

Nakumpiska sa dalawa ang humigit kumulang na walong gramo ng shabu na may halagang P54,400 at ang P500 markadong salapi na ginamit sa buy-bust.

Ang dalawa ay isinailalim na sa inquest proceedings sa piskalya ng Malabon para sa kinakaharap na kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Ni EDD REYES

AUTHOR PROFILE