Default Thumbnail

Snatcher timbog sa Sta. Ana

May 14, 2022 Jonjon Reyes 351 views

ISANG snatcher ang natimbog dahil sa pagdekwat sa cellphone sa Punta, Sta. Ana sa Maynila, Biyernes ng hapon.

Sa ulat ni P/Lt. Col. Orlando Mirando Jr., commander ng Manila Police District (MPD)- Warrant and Suopuena Section, bandang 7:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa harap ng Puregold Kalentong sa New Panaderos St., Sta. Ana, Manila.

Hinablot ng suspek ang cellphone ng isang 36-anyos na binata, habang nakasakay sa isang pampasaherong jeep.

Kinilala ang biktima na si Emiliano Calubit na hinabol at nakorner ang suspek na si Eljean Cardaño, alyas “Ging Ging” ng Fabie Estate Punta Sta. Ana.

Dito na namataan ng isang P/Cpl. Jayson Paet na miyembro ng MPD-Station 6 ang komosyon ng dalawa habang nagpapakarga ng gasolina at tuluyang naaresto ang snatcher. Ni Jon-jon Reyes

AUTHOR PROFILE