Default Thumbnail

Lalaki sinaksak, nabuhay

April 28, 2024 Melnie Ragasa-limena 53 views

SUGATAN ang isang lalaki dahil sa pananaksak ng magkapatid na suspek noong Linggo sa Quezon City.

Ginagamot sa ospital ang biktimang si Joseph Aguinaldo, 23, ng Brgy. Payatas B, Quezon City at pinaghahanap ng mga tauhan ng Quezon City Police District- Bagong Silangan ang magkapatid na si Aldrin at Badeng Baylon, kapwa residente ng San Gabriel St. Brgy. Payatas A, QUezon City.

Sa imbestigasyon ni PSSg Dexter Espino Jr., ng QCPD-Bagong Silangan, nangyari ang insidente dakong alas-12 ng hatinggabi sa St. Beatriz St., Brgy. Payatas A, Quezon City.

Nabatid na nag-iinuman ang biktima kasama ang saksing si Janine de Ocampo nang dumaan ang suspek na si Aldrin at hinamon ng suntukan ang biktima.

Bagama’t naawat ang dalawa, umalis ang suspek na si Aldrin at makalipas ang ilang minuto bumalik ito kasama ang kapatid na si Badeng.

Dito na sinaksak ni Badeng ang biktima at saka mabilis na tumakas kasama si Aldrin.