RIP REST IN PEACE–Patay agad ang dalawang lalaki na magkaangkas sa motor matapos sumalpok sa truck sa Mel Lopez Blvd., Tondo, Maynila. Kuha ni Jon Jon Reyes

Rider, backride sumalpok sa truck, tigok

May 6, 2024 Jonjon Reyes 56 views

PATAY ang rider at backride ng sumalpok ang kanilang motorsiklo sa trailer truck noong Lunes sa Mel Lopez Blvd., Tondo, Maynila.

Sakay ng Yamaha Sniper ang namatay na rider na si Richard Rivera at backride na hindi pa nakikilala, ayon sa mga pulis.

Sa imbestigasyon ng Manila Traffic Enforcement Unit, nangyari ang insidente bandang alas-12:20 ng madaling araw sa northbound lane ng Mel Lopez Blvd. sa kanto ng Jacinto St., Vitas, Tondo.

Naka-menor ang trailer (NGL 7164) na minamaneho ni alyas Wakray sa Jacinto St., para bigyang-daan ang pedestrian na tumatawid ng biglang bumangga ang rider sa kanang likuran ng truck.

Tumilapon ang rider at backride nito na nagresulta ng kanilang agarang pagkamatay.

AUTHOR PROFILE