Default Thumbnail

2 riders todas sa QC

May 6, 2024 Melnie Ragasa-limena 56 views

TODAS ang dalawang lalaking naka-motorsiklo dahil sa aksidente sa magkahiwalay na lugar sa Quezon City.

Nangyari ang unang aksidente bandang alas-10:00 ng gabi noong Linggo kung saan namatay habang ginagamot sa East Avenue Medical Center si Eduardo Delgado, 50, ng Guadalupe Viejo, Makati City.

Lumilitaw sa imbestigasyon ni PSSg Emmar Bellen Traffic Sector 10 ng QCPD na nawalan ng kontrol sa kanyang Honda Beat si Delgado sa East Ave., Brgy. Pinyahan, Quezon City.

Patungong EDSA si Delgado nang mawalan ng kontrol at bumagsak sa kalsada at nagulungan ng Isuzu delivery van na minamaneho ni Danny Toling Nestonis, 60.

Tinangka pang tumakas ng suspek pero naaresto nina TMRU Pat. Sanchez at PCpl Manuel ng Police Station 10.

Samantala, dead-on-arrival sa Quirino Memorial Medical Center ang pangalawang biktima na si Gilbert Amante Edullantes, 42.

Batay sa imbestigasyon ni PEMS Norlan Margallo ng District Traffic Enforcement Unit-Traffic Sector 3, naaksidente si Edullantes dakong ala-1:30 ng madaling araw noong Linggo sa Katipunan Avenue sa Brgy. UP Campus, Quezon City.

Sakay ng Honda CFT 125 (1683 IB) si Edullantes ng bumangga sa concrete center island at tumilapon sa kabilang bahagi ng Katipunan Ave dahil sa lakas ng impact.