Maris

Rico, plus pogi points sa nakakapasong kaseksihan ni Maris

June 23, 2023 Vinia Vivar 400 views

PLUS pogi points ang OPM singer na si Rico Blanco bilang Instagram boyfriend sa nakakapasong kaseksihan ng girlfriend na si Maris Racal na makikita sa mga litratong ipinost ng aktres sa socmed nitong Huwebes.

Kuha ang series of pictures mula sa bakasyon nila sa Lake Como sa Italy.

Naka-revealing red two-piece bikini si Maris habang umaawra sa pamosong lake kaya naman komento ng isang netizen, “Magandang dilag Maris. napakahusay nman ng pagkakuha ng official photographer at the same time mr universe ng buhay mo MR RICO BLANCO.”

AUTHOR PROFILE