Yandong

Marian, sabik matikman ang trabahong Star Cinema

June 23, 2023 Ian F. Fariñas 222 views

Tuloy na tuloy na nga ang reunion movie ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera titled Rewind. Nagkaroon na ng launching ang film via live streaming sa “New Movie Alert” event last Tuesday.

Dinaluhan mismo ng mag-asawa ang naturang event ganundin ng magiging direktor nilang si Mae Cruz-Alviar at iba pang kasama sa team.

The movie is a collaboration of Agosto Dos Media ni Dingdong, Star Cinema and APT Entertainment.

Ayon sa direktor, 2020 pa na-offer sa kanya ang proyekto at dahil nga nagkaroon ng pandemic, hindi niya alam kung matutuloy pa o hindi na.

Ngayong tuloy na, feeling niya ay meant to be ang collab na ito.

Sey naman ni Dong, noon pa ay looking forward na siya sa film dahil nga more than 10 years na nang huli niyang nakasama ang misis sa isang pelikula.

Excited din si Marian dahil finally ay mararamdaman na niyang magtrabaho sa Star Cinema, gayundin ang makatrabaho si Direk Mae.

Nag-post naman si Dong sa kanyang Instragram account at ipinahayag niya rito ang kanyang excitement.

“An exciting project is in the making, and this time, I have the pleasure of working alongside my amazing wife!

“After more than a decade, the wait is finally over as we announce our upcoming film REWIND, directed by Mae Cruz-Alviar.

“This masterpiece, created by Enrico Santos and Joel Mercado, holds a special place in our hearts, and we can’t wait to share it with all of you. Thanks to the incredible partners from @starcinema and @aptentertainment.ph, this long-awaited collaboration is becoming a reality!” pahayag ni Dong.

AUTHOR PROFILE