Jasmine

PAGLI-LIVE-IN NINA JASMINE AT JEFF, MAY BLESSING NG MGA MAGULANG

January 20, 2024 Vinia Vivar 125 views

Para kay Jasmine Curtis-Smith, nakabuti sa kanila ng boyfriend na si Jeff Ortega ang live-in set-up dahil nakatulong ito para mag-mature sila pareho at magkaroon din ng growth.

Nilinaw din niyang may blessings ng mga partido nila ang kanilang pagsasama sa iisang bubong.

“A lot of people, nu’ng una, even friends, even our parents, medyo nagulat na, ‘Uy, live-in na sila agad,’” sey ni Jasmine sa interview sa Updated with Nelson Canlas podcast.

Alam din naman ng aktres na hindi masyadong aprubado sa Pilipinas ang ganitong set-up pero sa Australia kung saan siya lumaki ay normal na raw ang ganito.

“’Yung trust ng pareho naming parents has been the most empowering for us to proceed with it. Siyempre, kinausap naman din namin sila kasi, I think, I was in my early 20s pa at this point and Jeff was already in mid-20s, kasi four-year age gap.

“On his side of the family din kasi they’re very Filipino. I mean, they’re from La Union, they’re very entrenched in the culture here, it was something I also had to talk to his mom about,” sey ng dalaga.

Natutuwa rin ang aktres na hindi sila magkalayo ni Jeff lalo na sa mga oras na may konting tampuhan sila, naaayos nila agad dahil magkasama sila sa bahay.

Bukod pa rito, naga-guide siya ng partner niya dahil mas mature ito sa kanya bilang apat na taon ang kanilang gap.

“Ramdam ko ‘yung guidance din niya sometimes so it’s nice, it’s a beautiful relation,” sey ni Jasmine.

AUTHOR PROFILE