Shined

KDLex at LoiNie, malayo ang mararating — Sunshine

January 20, 2024 Vinia Vivar 106 views

Aminado si Sunshine Dizon na ibang-iba ang loveteams noong panahon niya sa makabagong henerasyon ngayon.

Tulad ng mga young pair na kasama niya sa Pira-Pirasong Paraiso na KDLex (KD Estrada at Alexa Ilacad) at LoiNie (Loisa Andalio at Ronnie Alonte), dumaan din si Sunshine sa loveteam culture noong ka-edad niya ang mga ito.

Ang ka-loveteam niya that time ay si Polo Ravales sa TGIS at Anna Karenina.

Sa finale mediacon ng Pira-Pirasong Paraiso ay natanong si Shine kung ano sa tingin niya ang pagkakaiba ng loveteams noon at ngayon.

“Ang na-notice ko ngayon, parang mas mature sila kesa sa amin. Parang mas batang-isip kami. ‘Yun ang totoo, ha? To be honest,” simula ni Sunshine.

Nakikita raw niya ang LoiNie na sobrang tutok sa mga eksena nila at pinag-uusapan kung paano ang gagawin.

Ang KDLex naman daw, one time na nagkasakit si Alexa at nagk-migraine, nakita niya na inalagaan ito ni KD.

“Kami, parang ‘pag hindi mo gustong kausapin, hindi mo na papansinin. Batang-isip,” natatawa niyang kwento.

Sure raw siya na malayo ang mararating ng mga young loveteam na ito sa showbiz industry.

“But it’s really up to them. Kasi ngayon, nakita ko, from day one hanggang nu’ng last day ko, ang laki talaga nu’ng iniba nu’ng confidence, iba rin ‘yung bonding nila and, you know, there’s always this thing na you see in an actor na alam mong tatagal, eh.

“There’s this gusto. I don’t know how to explain that. Parang magic ‘yan, eh, na hindi mo ma-explain pero makikita mo, ‘ah, ito, tatagal ‘to, ah, ito, parang hindi masyado.’ Parang may ganu’n kang napi-feel.

“Ako, I hope and pray na sana, kung anuman ang lumabas sa bibig ko ngayon, eh, magkatotoo because I really see a bright future for all of them because I feel that they really love and enjoy what they’re doing,” pahayag ni Sunshine.

Bukod dito, hindi niya umano nariringgan ng reklamo ang mga bagets co-star kahit pagod na pagod na.

Kaya saludo si Sunshine sa mga batang ito at wish niya na hindi ito ang maging una at huli nilang pagsasama sa isang proyekto.

AUTHOR PROFILE