Service

Vivamax, pinag-iinit ang 2024 sa ‘Room Service’ at ‘Palipat-lipat…’

January 20, 2024 Ian F. Fariñas 3773 views

LipatANG mga nakakagulat at nakakaiskandalong sexcapade sa hotel ang ipapakita sa pelikulang Room Service ni Direk Bobby Bonifacio Jr. sa Vivamax ngayong Enero.

Masasabing “first day high” ang mararanasan ni Carol (Shiena Yu) sa kanyang unang araw bilang room attendant sa three-star hotel dahil bubungad agad sa kanya ang pagtatalik ng dalawang hotel guests nang makita niyang bukas ang pinto ng kanilang kwarto.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nakita niya ang lalaki at noong una pa lang ay natipuhan na niya ito.

Sa paglipas ng mga araw, naobserbahan ni Carol na iba’t ibang babae ang dinadala ni Michael (Angelo Ilagan) sa kanyang kwarto. Lalong lumalalim ang pagnanasa niya kay Michael kahit na meron siyang nobyo – si Arvin (Nathan Cajucom), pero nakukulangan siya sa kanilang sex life.

Pinagpapantasyahan ni Carol na makapiling si Michael, hanggang sa dumating na nga ang araw na inimbitahan siya ni Michael sa kanyang kwarto.

Sa kanilang pagsasama magaganap ang rebelasyon tungkol sa tunay na katauhan ni Carol at ang mga sikreto ni Michael.

Streaming na ang Room Service sa Vivamax.

Para tapatan ang intensity na hatid ng Room Service, may isa pang sexy-drama Vivamax Original Movie na una ring offering ng cult director na si Roman Perez Jr. ngayong 2024.

Pinagbibidahan nina Denise Esteban, Aiko Garcia at Victor Relosa, panoorin ang kwento kung paano magugulo ang buhay ng mag-asawa na namumuhay nang payak at payapa sa pagdating ng isang misteryosa at nakakaakit na dalaga. Sina Edna (Denise) at Larry (Victor) ay mag-asawang masayang namumuhay nang simple sa probinsya habang nagtatrabaho sa kanilang tahungan.

Pero lahat ng ‘yon ay magbabago nang isang araw ay makita nila ang isang walang malay na babae (Aiko Garcia) na may hawak na puting bimpo sa kanilang tahungan.

Tutulungan nila ang babae at iuuwi sa bahay.

Malalaman nila kalaunan na “Amy” ang pangalan nito at naaksidente siya at ang kanyang asawa nang masira ang sinasakyang bangka habang nasa laot at siya ay inanod papunta sa tahungan.

Aalagaan nina Edna at Larry si Amy at tutulungan na maka-recover. Sa paglipas ng mga linggo at buwan ay magiging komportable sa iisang bubong ang mag-asawa at si Amy.

Pero ang maganda nilang samahan ay magiging komplikado nang magsimulang mahulog si Amy sa kakisigan at kabaitan ni Larry. Aakitin ni Amy si Larry na hindi naman matatanggihan ng lalaki. Magpapadala sila sa bugso ng damdamin at magtataksil kay Edna.

Matutuklasan din ni Edna ang lihim na relasyon nina Larry at Amy pero hindi niya makakayanang palayasin si Larry. Si Larry naman ay hindi rin gusto na lumayo si Amy.

Para umayon ang mga bagay sa kanilang tatlo, may mapagkakasunduan silang hindi normal na plano at baluktot na prinsipyo – tuwing gabi pagtapos ng hapunan, pipili si Larry kung sino kina Edna at Amy ang lalagyan niya ng puting bimpo sa balikat. Ang lalagyan niya ang siyang makakasama niya buong magdamag.

Matagalan kaya nila ang ganitong kasunduan at mabuhay nang payapa na magkakasama? O isa kina Edna at Amy ang bibigay, magwawala at magagalit sa pinasok na kalagayan? Hanggang kailan magpapapalit-palit si Larry sa dalawang babae sa buhay niya?

Alamin ang mga nakakagulat pang tagpo sa napakakontrobersyal na sitwasyon, panoorin ang Palipat-lipat, Papalit-palit streaming na sa Vivamax.

AUTHOR PROFILE