Timbog

Opisyal ng QC engineering office timbog sa pangingikil ng P2M

March 24, 2024 Melnie Ragasa-limena 156 views

ARESTADO ang 56-anyos na supervisor ng Quezon City Engineering Office dahil umano sa pangingikil ng halos P2 milyon sa isang negosyante noong Sabado.

Hawak na ng mga pulis ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD) ang suspek na nahaharap sa robbery extortion.

Inireklammo siya ni Archie Ang Uy, 47, pet foods supplier at nakatira sa 857 Alvarado St., Binondo, Manila.

Ayon kay P/Maj. Don Don Llapitan, bandang alas-8:00 ng ng timbugin ang suspek sa Army Navy Restaurant sa Visayas Ave., Brgy. Vasra, Quezon City.

Batay sa imbestigasyon ni PEMS Noel Balleras, humingi ng tulong si Uy sa suspek para ma-process ang kanilang building permit, business permit, zoning at certificate of exemption para sa warehouse ng kanyang pet food business.

Nagdeposito umano ang biktima ng dalawang tseke na nagkakahalaga ng P1 million at P500,000 sa account ng asawa ng suspek para sa buong proseso.

Pero noong Oktubre 22, 2022, muling humingi ng P 1.1 million ang suspek para sa certificate of exemption. Muling idineposito ng complainant sa account ng asawa ng suspek ang pera.

Sa kabila ng pagbibigay sa mga demands ng suspek, wala kahit isang dokumento na ibinigay sa kanila at hindi na umano nakipag-ugnayan ang suspek sa biktima.

Noong Marso 15, 2024, muling makipag-ugnayan sa kaniya ang suspek at humingi ng P 1.7 million para daw sa Sangguniang Panlungsod na tutulong sa kanila para sa reclassification ng zoning para sa pag-iisyu ng certificate of exemption.

Kinalaunan ibinaba ng suspek ang financial demand sa P700,000.

Binantaan umano ng suspek ang complainant na hindi mapoproseso ang lahat ng dokumento kung hindi niya maibibigay ang hinihinging halaga.

Doon na nagreklamo ang biktima sa mga pulis na agad na nagkasa ng entrapment sa Army Navy Restaurant sa Visayas Avenue, Brgy., Vasra at naaresto ang suspek.

Narekober sa suspek ang limang P1,000 bills at isang BDO check na may halagang P700,000