BBM

PBBM nagbigay ng tig-P10K sa 10K residente ng Region 9

May 9, 2024 Chona Yu 54 views

AABOT sa 10,000 residente sa Region 9 ang binigyan ng tig-PP10,000 financial aid ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Personal na inabutan ng ayuda ni Pangulong Marcos ang mga residente mula sa Zamboanga, Zamboanga del Sur, Zamboanga del Norte at Zamboanga Sibugay sa Brgy. Tetuan, Zamboanga City.

Ayon sa Pangulo, galing ang pondo sa Assistance to Individuals in Crisis Situation ng Department of Social Welfare and Development.

Kabilang sa mga binigyan ng ayuda ang mga magsasaka, mangingisda at mga pamilyang naapektuhan ng El Nino.

Tiniyak pa ni Pangulong Marcos na ilalapit niya sa mamamayan ang Malakanyang.

“Buong bansa ang tatamasa ng mga programang na ating ipinagkakaloob. Lalarga tayo sa buong kapuluan.

Walang rehiyon na maiiwanan, walang lalawigan na makakaligtaan. Hindi ang lokal na pamahalaan ang dudulog sa Malacañang.

Ang Malacañang ang pupunta sa mamamayan,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Kasama ni Pangulong Marcos na nagtungo sa Zamboanga ang mga kinatawan mula sa Department of Agriculture, DSWD, Department of Health at iba pa.

“Kailangang personal kong makita at marinig ang inyong mga hinaing at makita ng aking sariling mata ang kalagayan ng ating mga kababayan,” pahayag ni Pangulong Marcos

Tiniyak pa ni Pangulong Marcos na walang Filipino ang maiiwan.

Sa ngayon, nasa 3.6 milyong indibidwal na ang naapektuhan ng El Nino.

Nasa P5.9 bilyong halaga ng income ng mga magsasaka at mangingisda ang nawa.

Ayon sa Pangulo, sa Zamboanga Peninsula lamang, umabot sa 3,000 ektaryang lupang sakahan ang naapektuhan ng El Nino.

AUTHOR PROFILE