ICC Source: FB

Di pagtulong ng PH sa ICC di mababago

May 9, 2024 Chona Yu 55 views

HINDI nagbabago ang posisyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na wala nang hurisdiksyon at hindi na makikipagtulungan ang Pilipinas sa International Criminal Court.

Ito ang tugon ng Presidential Communications Office sa ginagawang paghahanda ng Department of Justice na bigyan ng briefing si Pangulong Marcos para magkaroon ng legal options sakaling magpalabas na ng warrant of arrest si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kasong crimes against humanity sa ICC dahil sa madugong anti-drug war campaign.

Ayon kay PCO chief Cheloy Garafil, bahagi lamang ng standard procedure ang paghahanda ng DOJ.

Sa ganitong paraan aniya, magiging fully- informed si Pangulong Marcos at may mapagpipiliang mga legal na opsyon.

Hindi aniya ito nangangahulugan na nagbago ang posisyon ng Pangulo, bagkus nagiging handa lamang ang administrasyon sa anumang senaryo sa mga susunod na araw.

“The President’s stance on the ICC remains clear and consistent.

However, it is the duty of the Department of Justice to explore all legal avenues and ensure that the President is fully informed of his options.

This is standard procedure, not a change in position, ensuring that our administration remains prepared for any scenario,” pahayag ni Garafil.

Agad na binatikos ni Salvador Panelo, dating chief Presidential Legal Counsel at presidential spokesman ni Duterte, ang hakbang ng DOJ.

Ayon kay Panelo, kasuklam-suklam ang ginagawa ng DOJ dahil taliwas ito sa mga pahayag ni Pangulong Marcos.

AUTHOR PROFILE