Koreano

3 Koreano na wanted sa robbery arestado

May 9, 2024 Jun I. Legaspi 80 views

TATLONG Korean national ang inaresto ng Bureau of Immigration sinasabing wanted sa mga kasong robbery sa kanilang bansa, ayon sa report.

Sa official na kalatas ng BI sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na ang mga inaresto ay nakilalang sina Han Jungwoo, 37, and Jo Woongje, 36, and Lee Chihoon, 25.

Ang tatlong Koreano ay inaresto sa Talisay City May 3 ng mga elemento BI’s fugitive search unit (FSU).

Ang mga suspects ay may mga warrant of arrest na iniisyu ng Korean court, ayon kay Tansingco.

Ang warrant ay iniisyu nitong January ng eastern district court sa Seoul matapos sampahan ng mga kasong robbery ang mga suspek.

Ayon kay Rendel Ryan Sy, BI-FSU acting chief, ang mga akusado ay gumagamit ng mga sophisticated instruments at tracking device, surveillance cameras para ka kanilang illegal na gawain.

Ang mga suspek ay nasa custody na ng BI warden facility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City habang inaayos ang deportation proceeding ng mga ito.

Inilagay na din sa BI blacklist at hindi na pwedeng makabalik pa sa bansa ang mga suspek.

AUTHOR PROFILE