DFA

DFA sa mga Pinoy: ‘Wag basta-basta maniniwala

May 9, 2024 Edd Reyes 51 views

PINAG-IINGAT ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang publiko na huwag basta maniwala sa mga walang katotohanang salaysay na nagreresulta sa maling paniniwala.

Nagbabala ang DFA bunsod ng paglalabas sa media ng audio ng Chinese at pinuno ng Armed Forces of the Philippines-Western Command (AFP-WESTCOM) tungkol sa umano’y bagong modelo ng kasunduan sa Ayungin Shoal.

“Resorting to tactics such as releasing unverifiable recordings of supposed conversations with Philippine officials could demonstrate efforts to sow discord and confusion among Philippine agencies and the Filipino public,” sabi sa statement ng DFA.

Ayon sa DFA, dapat sumunod ang mga diplomat sa 1961 Vienna Convention on Diplomatic Relations (VCDR), partikular ang Article 41, na nagpapahayag na tungkulin ng lahat na igalang ang batas at regulasyon ng alinmang bansa.

May tungkulin din sila na hindi nararapat na manghimasok sa panloob na kapakanan ng estado.

AUTHOR PROFILE