Tolentino

Tolentino: Magtayo ng heat-resistant classrooms

May 9, 2024 People's Tonight 78 views

NANAWAGAN si Sen. Francis Tol” Tolentino sa Department of Education (DepEd) at Department of Public Works and Highways (DPWH) na gawing heat-resistant ang mga ipapatayong classrooms bilang isa sa mga solusyon sa mainit na panahon.

Ito ay kasunod ng panayam kay DepEd Spokesman Francis Bringas kanina sa programang Usapang TOL sa DWIZ, kung saan kinumpirma ng opisyal na ibabalik na ang lumang school calendar sa Hunyo 2026 bunsod na rin ng matinding init ng panahon.

Ayon kay Sen. Tolentino, dapat magsagawa ng konsultasyon ang DPWH at DepEd hinggil sa pagpapatayo ng mga silid aralan na heat-resistant at hindi lang basta typhoon-resistant.

“Yung sina-suggest ko, itong El Nino hindi natin alam kung kelan uulit o tatama, kung gaano katagal o katindi, so siguro sa mga planning sessions ninyo with DPWH, in terms of constructing classrooms, dapat pag-usapan na rin hindi lang yung mga typhoon-resistant buildings, yun may proper ventilation, para kung sakaling tumama ulit yung ganitong weather phenomenon eh may hangin ang mga classroom, lalo na yung mga nasa probinsya”, ani Sen. Tolentino.

Samantala, nanawagan rin sa mga school authorities si Sen. Tolentino na huwag masamain kung sakaling aabsent ang mga estudyante dahil sa matinding init ng panahon.

Sinabi naman ni DepEd Spokesman Bringas na hindi magtatakda ng make up classes ang mga eskwelahan at sa halip ay bibigyan na lamang ng karagdagang aralin ang mga estudyante upang makabawi sa kanilang mga absences.

AUTHOR PROFILE