Crime

Trike driver binutasan ng bala sa ulo, tigok

May 9, 2024 Edd Reyes 71 views

TIGOK ang tricycle driver ng barilin sa ulo ng hindi nakilalang lalaki noong Miyerkules sa Malabon City.

Patay agad si Antonio Pulga ng Panghulo, Obando, Bulacan dahil sa tama ng bala galing sa hindi pa alam na kalibre ng baril, ayon sa mga pulis.

Sa report kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, nagta-tricycle ang biktima sa Don Basilio Bautista Blvd., Brgy. Hulong Duhat dakong alas-6:50 ng gabi pauwi na sa kanyang tirahan nang harangin ng lalaking naka-motorsiklo.

Bumunot ng baril ang suspek at kaagad na pinaputukan sa ulo ang biktima at tumakas papunta sa Panghulo, Bulacan.

Bigo ang mga pulis na mahuli ang salarin.

Pinarerebisa na ni Col. Baybayan sa mga imbestigador ang kuha ng mga CCTV sa lugar ng pamamasang at sa tinahak ng suspek para makatulong sa pagkakakilanlan sa suspek habang inaalam pa ang motibo sa pagpatay.

AUTHOR PROFILE