Padilla

Onion Institute isinusulong ng Bongabon mayor

August 3, 2023 Steve A. Gosuico 302 views

BONGABON, Nueva Ecija — Matindi ang pagnanais ni Mayor Ricardo I. Padilla na maitayo ang kauna-unahang Philippine Onion Research Institute pang mapag-aralan kung paano mapapalakas ang produksyon ng sibuyas.

Sinabi ni Padilla na nais niyang humingi ng tulong kay Sen. Imee Marcos para mapaabot kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bigyang prayoridad ang pagtatayo ng nasabing pasilidad para sa ikauunlad ng onion industry sa Pilipinas.

Ayon kay Padilla, ibabahagi niya sa senadora ang kanyang naging karanasan nang pumnta sila sa China.

Tinawag ni Padilla ang kanyang pagbisita na isang malaking hakbang para sa mamamayan niyang magsisibuyas.

Pinuri ni Padilla ang mechanized farming ng China dahil halos apat na beses ang laki sa volume kumpara sa Pilipinas.

Dagdag pa ni Padilla, maituturing na modelo ang China sa naturang technology.

AUTHOR PROFILE