Phivolcs

DavOc niyanig ng lindol

August 3, 2023 People's Tonight 193 views

NIYANIG ng 4.8 intensity na lindol ang Davao Occidental Huwebes ng hapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, tectonic process ang naganap na lindol at naganap bandang 1:39 ng hapon.

Matatagpuan ang epicenter nito 417 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Balut Island sakop ng Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 192 kilometro.

Walang inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig at hindi rin nila inaasahang magiging sanhi ito ng malaking pinsala.

Niyanig din ng magnitude 4.8 na lindol ang probinsya noong Hulyo 27. Walang naiulat na pinsala o nasaktan mula sa lindol na iyon.

AUTHOR PROFILE