Pineapple PINEAPPLE PLACE–Ang malaking pinya na sumisimbolo sa plaza ng Calauan, Laguna na bahagi ng idinadaos na Pinya Festival ’24 na nag-umpisa noong Mayo 9 at matatapos sa Mayo 15. Kuha ni Gil Aman

6-day Pinya fest nagsimula sa Calauan

May 10, 2024 Gil Aman 97 views

NAG-UMPISA na noong Mayo 9 ang pagdiriwang ng anim na araw na Pinya Festival ’24 na pinangunahan ni Calauan, Laguna Mayor Roseller Caratihan katuwang ang Sanguniang Pang Bayan.

Tampok sa pagdiriwang ang iba’t-ibang activities na may temang “Bagong Calauan: Makisaya, Sumamat, Makiisa sa Pista ng Pinya” na nakatuon sa mga programa at tema ng pagbabago para paigtingin ang turismo sa bayan.

Sinabi ni Mayor Caratihan na pinakamatamis ang pinya mula sa kanilang bayan kaya mabilis na nauubos sa pamilihan.

Nag-umpisa noong Mayo 9 ang Thanksgiving mass sa San Isidro Labrador Parish kasunod ng civic parade sa paligid ng bayan at pagbubukas ng trade fair at presentation ng mga nakiisa sa municipal covered court.

May contest din sa pinyakamagandang manika at People’s Night. Sa Mayo 11 naman ang isasagawang Palarong Pino.

Sa Mayo 12 ang gawad parangal, Mayor’s Night, fun run, SB Bingo Grand parade/Intertoda Float competition, street dancing at That My Lolo and That may Lola.

Sa May 13 naman ang pineapple farmers’ seminar. Sa May 14 ang Kabataan Zumba, Pinayakadyosa, job fair, cooking contest at PWD Got talent at Ginoo Binibining Calauan.

Para sa May 15 ang motorshow at car show gayundin ang Cong. Amben’s Night at fireworks display.

AUTHOR PROFILE