Mandanas

Mandanas ikinasal sa abogada

May 10, 2024 Jojo C. Magsombol 81 views

MULING ikinasal ang 80-anyos na si Batangas Gov. Hermilando Mandanas sa 32-anyos na abogadang si Angelica Austria-Chua sa Parish of the Immaculate Conception sa Batangas City noong Mayo 8.

“Mahal, I came here not only with free will but full of love. Love which I know is a blessing from our Lord. That we are allowed, permitted, granted…to share and to participate. Because God is Love and Love is God,” ang wedding vow ni Mandanas.

Si Lipa Archbishop Most Rev. Gilbert Garcera ang nagkasal sa dalawa. Naging balo si Mandanas noong 2022 nang yumao ang kabiyak na si Regina noong 2022.

Tinaguriang “much-awaited wedding“ ng taon sa Batangas ang kasalan, ayon sa ilan.

Dumalo sa kasal si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos bilang principal sponsors ng mag-asawang Mandanas.

Kabilang din sa mga ninong at ninang sina Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo at President and Chief Executive Officer ng San Miguel Corporation na si Ramon Ang.

Saksi rin kasalan sina House Speaker at Leyte 1st District Representative Martin Romualdez, mga congressman, congresswoman at mga local chief executives mula sa iba’t-ibang bayan.

Naging emosyonal naman ang lahat sa ibinahaging wedding vow ni Atty. Chua sa punong lalawigan ng Batangas.

Ipinaramdam niya kay Mandanas na karapat-dapat siyang mahalin at respetuhin sa kabila ng kaniyang mga naunang naranasang kabiguan sa pag-ibig.

AUTHOR PROFILE