Allan

Battle royale abangan

May 10, 2024 Allan L. Encarnacion 79 views

SA Valenzuela, mukhang may challenger vs incumbent Mayor Wes Gatchalian sa katauhan ni Congressman Eric Martinez.

Bata rin itong si Congressman Martinez at agresibo kaya mabigat din ang laban ni Mayor Wes na mas bata sa edad na 44. Magandang laban ito sa Valenzuela dahil ngayon lang magkakaroon ng seryosong kalaban ang mga Gatchalian matapos ang mga nakaraang eleksiyon.

Si Mayor Wes ay kapatid nila Senator Sherwin at DSWD Secretary Rex na pareho ring naging alkalde ng Valenzuela.

Makakaulit kaya si Mayor Wes o puputulin na ni Coingressman Martinez ang mahabang istorya ng pulitika ng mga Gatchalian sa Valenzuela.

Kaabang-abang din yan.

***

Sa Caloocan City naman, mukhang tuloy na ang poghaharap nila incumbent Mayor Along Malapitan at former senador Sonny Trillanes.

Matindihan din ang laban sa lungsod dahil national figure si Trillanes. Si Along na dating kongresista ay anak ni Congressman Oca Malapitan.

Magkaalaman yan sa Oktubre kapag nagsimula na ang filing ng Certificate of Candidacy.

Mayor Along vs forrmer senator Trillanes!

***

Sa second district naman ng Caloocan, second round ang labanang Congresswoman Mitch Cajayon vs former congressman Egay Erice.

Natapos lang ang termino ni Erice kaya ito nawala sa kongreso. Noong incumbent si Cajayon, tinalo na ito ni Erice nang malaking boto kaya medyo masaklap ang libro ng kasaysayan para kay congresswoman.

Kaya nga double time si Cajayon ngayon dahil mabigat ang kanyang challenger. Noong 2022 election, walk in the park ang kanyang naging panalo dahil nga term ender si Erice kaya sa ibang posisyon kumandidato. Pero iba ngayon, lalo na’t pangalawang pagtutuos nila ang 2025 election.

Cajayon vs Erice 2.0. Abangan ang susunod na kabanata.

[email protected]