Tansingco

Muntik mabiktima ng illegal recruiter nasagip ng BI

April 9, 2024 Jun I. Legaspi 77 views

ISANG 26-anyos na Filipina na muntik nang mabiktima ng illegal recruitment ang nasagip ng mga immigration officers sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA), ayon sa report.

Ayon kay BI immigration and border enforcement section (I-PROBES) chief Bienvenido Castillo III, tinangkang ibiyahe sa Philippine Airlines flight papuntang Bangkok nitong Abril 2 ang babae nang masagip ng mga operatiba ng BI.

Chinese national ang nag-sponsor sa babae na nakadaupang-palad lang n’ya sa Facebook group.

Sa imbestigasyon, inamin ng biktima na kinuha siya bilang private tutor at household helper matapos pangakuan ng P25,000 sahod kada buwan.

Lumabas sa imbestigasyon nauna na itong pinigilang umalis ng bansa ang babae matapos mabiktima rin ng illegal recruitment para magtrabaho bilang guro sa abroad.

Pero nagpipilit magtrabaho sa ibang bansa ang babae kahit alam niya na illegal ang kanyang recruitment.

Nagbabala si BI Commissioner Norman Tansingco tungkol sa mga online recruitment na nambibiktima ng mga inosenteng individual na gusto magtrabaho sa ibang bansa.

“We have observed that many of these trafficking victims are often recruited through messenger or groups on social media. Avoid entertaining such officers, and only apply through legal means, through the Department of Migrant Workers,” sabi ng BI chief.

Inindorso na ng BI ang kaso ng biktima sa MICA Inter-Agency Council Against Trafficking para makapagsampa ng kaso laban sa recruiter nito.

AUTHOR PROFILE