Default Thumbnail

Babaeng wanted sa child abuse huli sa Pagadian Airport

April 9, 2024 Alfred P. Dalizon 79 views

ISANG 19-anyos na babae na wanted sa kasong child abuse ang inaresto ng mga pulis pagkatapos lumapag ang eroplano na kanyang sinakyan sa Maynila papuntang Pagadian Airport noong Lunes, sinabi ni Philippine National Police Aviation Security Group director, Brigadier General Christopher N. Abrahano kahapon.

Ayon sa opisyal, ang akusado na hindi pinangalanan ay inaresto sa bisa ng isang warrant para sa paglabag sa Republic Act 7610 o ang anti-child abuse law na pinalabas ni Judge Orwin Lloyd Famor ng Ipil, Zamboanga Sibugay Regional Trial Court Branch 9 noong Abril 3.

Pinayagan ng korte na maglagak ang akusado ng P80,000 piyansa para kanyang pansamantalang paglaya.

Mga miyembro ng PNP Criminal Investigation and Detection Group, Aviation Security Unit 9 at Ipil Municipal Police Station ang dumakip sa suspek matapos na makatanggap sila ng report na ang akusado ay parating na sa Pagadian Airport galing sa Ninoy Aquino International Airport.

Ang suspek ay dagliang binasahan ng kanyang constitutional rights bago tuluyang dakpin, ayon kay Abrahano.

AUTHOR PROFILE