MrM

Mr. M, bagong Kapuso consultant

July 13, 2021 Ian F. Fariñas 547 views

BeaKapuso na ang dating Star Magic head na si Johnny “Mr. M” Manahan. Tutulong siya sa pag-groom ng mga batang talent bilang GMA Artist Center (GMAAC) consultant.

Sa welcome mediacon na isinagawa via Zoom kahapon, nalaman ng press na bale balik-Kapuso pala si Mr. M.

Kwento ng direktor/starbuilder, matagal na panahon na siyang nagtrabaho sa gma-7 — nu’ng dalawang maliit na studio pa lamang daw ito at may isang “’di kanais-nais na cr.”

Hindi pa siya nakakaikot sa bagong tahanan ngayon dahil sa Covid-19 crisis.

Marami ang hindi nakakaalam na naging singer si Mr. M sa Kapuso channel kasama ang kanyang folk singing group.

Nagkaroon pa raw ng pagkakataong kumanta ang grupo nila sa noo’y sikat na programa ng Amerikanong si Robert “Uncle Bob” Stuart, ang Uncle Bob and the Lucky 7 Club.

Bukod doon, nagtrabaho rin si Mr. M sa show, Two for the Road, ng yumaong ina na si Elvira Manahan at sumabak sa ilang TV specials katuwang ng late iconic director na si Lino Brocka.

Matapos ang ilang dekada ng pagsisilbi bilang utak at puso ng Star Magic, ang discovery at talent management arm ng ABS-CBN, panandalian siyang naging parte ng TV5.

Six months later, naisip niyang mag-retiro sa showbiz para mag-alaga ng apo. Pero dumating ang alok ng GMA na hindi niya natanggihan.

“Whenever I think about it, it’s hard not doing anything lalo na ngayong pandemya. Wala kang magawa sa bahay. Tamang-tama, some friends from GMA said let’s talk. Maganda ang nilatag nila in a way I na could not refuse the offer. It’s work… After a certain point, it was so easy to say yes,” kwento ni Mr. M sa desisyong maging Kapuso.

Maliban sa pag-groom at pag-develop ng Kapuso artists, nabanggit din daw ni Atty. Felipe Gozon ang posibilidad ng pagbibigay input o pagdidirek ng isang variety show.

Bukas naman siya sa ideyang ito.

Sa tingin ni Mr. M, kakaiba na ang landscape ng telebisyon ngayong panahon ng pandemya.

“The landscape now is kinda bleak,” panimula niya, “because we only have one network that’s viable today, of course, that’s gma. The others are floundering, they barely keep their mouths over the water.”

Patuloy niya, “Right now, given the landscape of television, money is hard to get and the industry is going through a change because of all the new media coming in, nang-aagaw ng pera so people are just trying to figure out what to do in the new landscape.”

Kasalukuyan pa raw niyang pinag-aaralan ang magiging strategy sa GMA, lalo na pagdating sa pag-i-style ng image at pagma-market ng mga artista.

“Bago lang kami and we just came in. We hope to meet with the artists one by one or by groups, but off cam, meron na kaming idea of what we’d want to do with certain people,” paliwanag ni Mr. M.

Basta ang pakiramdam daw niya, eh, nabuhayan siya muli sa alok ng GMA dahil “I have this passion for training young artists.”

Nang tanungin kung ano ang masasabi niya sa so-called “network war,” diretsang sinabi ni Mr. M na, “I personally don’t believe in network war. I’ve always been friendly with the other networks.

That is also what we try to inculcate in our artists… to make sure not to burn bridges. They should be friendly with all the networks because they’re the ones who’ll give you your next project.”

Nilinaw din niya na wala siyang alam o kinalaman sa paglipat ni Bea Alonzo sa GMA.

“Nagkataon lang, ’di naman kami nag-usap,” giit pa ni Mr. M.

Para naman sa mga artista o talent na magnanais sumunod sa mga yapak nila ni Bea, bukas daw ang pintuan ng bagong GMAAC consultant para sa kanila.

“For the others, find work where people can appreciate, ’yon lang ’yon. Welcome sila sa Artist Center. Kung gusto nila, alam nila kung ano ang gusto nila, tingnan na lang natin,” pagtatapos ni Mr. M.

AUTHOR PROFILE