Lacuna Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan

Manila City Hall execs ipinakilala na ni Mayor Honey sa publiko

July 18, 2022 Edd Reyes 1572 views

IPINAKILALA na sa publiko ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan na makakatuwang niya sa pagpapatakbo ng Lungsod ng Maynila.

Ayon sa alkalde, palagi aniya nilang sinasabi ni dating Mayor Isko Moreno Domagoso na hindi nila makakayang mag-isa na papamahalaan ng maayos ang Maynila at kailangan nila ang makakatulong upang maisulong ang mga proyekto at programang nakalaan para sa kabutihan at kapakanan ng lahat ng mamamayan ng lungsod.

Nilinaw din ni Mayor Honey na pawang mga pamilyar ding mukha ang makikita ng publiko na magiging katuwang niya sa pamamahala at kasama na sa paglilingkod bilang public servant sa loob ng 28 taon.

Kabilang sa mga ipinakilala ni Mayor Honey Lacuna-Pangan sina Vice Mayor John Marvin Yul Servo Nieto at 28 miyembro ng Sangguniang Panlungsod, Atty. Marlon Lacson na gumaganap bilang Secretary to the Mayor at siya pa ring hepe ng Department of Assessment, dating 3rd District Councilor Bernardito “Bernie” Ang, Joshue Santiago na siyang Chief of Staff, Brenda Marcelino na siyang City Personnel Office, Atty. Mary Grace Chua – City Budget Officer, Arch. Danilo Victor Lacuna, Jr.- City Planning and Development Office na dati na ring naging konsehal ng ika-anim na Distrito.

Ipinakilala rin ng alkalde ang hepe ng City General Service Office na si Thelma Perez na humahawak aniya sa lahat ng pangangailangang supply ng lungsod, Ma. Jasmin Talegon –City Treasurer’s Office, Jonahtan Galorio – Office of the City Accountant, Diosdado Santiago, ang bagong Director ng Manila Barangay Bureau, Alex Layos na nanatiling hepe ng Youth Development, dating City Registry Atty. Cris Tenorio na ngayon ay hepe ng Urban Settlements Office, Dr. Karl Oliver Laqui na nanatiling Director ng Ospital ng Maynila Medical Center, Dr. Teodoro Martin sa Gat-Andres Bonifacio Memorial Hospital, Dr. Marie Sacdalan-Faustino sa Justice Jose Abad Santos General Hospital, Dr. Grace Padilla sa Sta Ana Hospital, Dr. Myrna Lacson-Paloma sa Ospital ng Tondo at Dr. Arlene Raule Dominguez sa Manila COVID-19 Field Hospital.

Si Dr. Arnold “Poks” Pangan ang nanatili pa ring hepe ng Manila Health Department, Roselle Castaneda bilang Director ng Manila North Cemetery, Dr. Jonathan Garzo sa South Cemetery, Dr. Nicanor Santos, Jr. sa Veterinary Inspection Board, Ma. Asuncion “Re” Fugoso na nanatili bilang hepe ng Manila Department of Social Welfare, Arnel Eustacio Angeles-Manila Disaster Risk Reduction Management Office, Giovanni Evangelista – Parks Development Office, Mark Maria Antonio Arellano sa Public Recreation Bureau, Kayle Nicole Amurao sa Department of Public Services, Engr. Armando Andres – Dept. of Engineering and Public Works, Engr. Randy Sadac – City Electrician, Maria Josefa Encarnacion Ocampo – Manila Civil Registry Office at Levi Facundo bilang hepe ng Bureau of Permits.

Naitalaga rin bilang Market Administrator si Zenaida Mapoy, sa Manila Traffic and Parking Bureau si Zenaida Viaje, Charlie DJ Dungo sa Department of Tourism, Culture and Arts, Dr. Maria Magdalena Lim – Division of City Schools, Emmanuel Leyco pa rin bilang Pangulo ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, Ma. Felma Carlos-Tria bilang Pangulo ng Universidad de Manila, Mylene Villanueva – Manila City Library, Atty. Veronica Lladoc – City Legal Office, Sheida May Yu – Manila Muslim Affairs, Fortune Palileo – Electronic Data Processing Services, John Visca – Manila DILG Director, Fernan Bermejo na siya pa ring Director ng Public Employment Service Office, Elinor Jacinto sa Office of the Senior Citizens Affairs at Roel De Guzman sa Manila Sports Council,

“I hope mas maging pamilyar na po kayo sa ating pamunuan ng iba’t-ibang departamento at umasa po kayo na sila po ay laging handa na tugunan ang lahat ng inyong pangangalilangan,” pahayag ni Mayor Honey.

Kinuha rin ng alkalde ang pagkakataon na pasalamatan ang mga kawani ng lokal na pamahalaan na aniya ay patuloy na nagsasagawa ng paglilinis sa kapaligiran sa loob at labas ng gusali ng city hall, lalu na ang mga nagtrabaho pa rin sa araw ng Sabado at Linggo.

“Alam ko po na ito ay panahon ng inyong pagpapahinga at panahon na sana ay makakasama nyo ang inyong pamilya ngunit dahil na rin sa panawagan ng inyong lingkod ay minabuti ninyong tumulong para maiayos ang ating lungsod,” dugtong pa ng alkalde.

Partikular na pinahalagahan ni Mayor Honey sa kanyang pasasalamat ang mga kawani ng Market Administration, Department of Public Service, City Engineering Office, General Services Office at ang Building Administration na walang kapagurang nagsasagawa ng paglilinis sa mga araw ng kanilang pamamahinga.

AUTHOR PROFILE