Lolit

Lolit, ikinabigla ang pagtawag ni Boss Vic

August 30, 2022 Ian F. Fariñas 149 views

Vic

IKINABIGLA ng talent manager/showbiz columnist na si Lolit Solis ang pagtawag sa kanya ng Viva Entertainment big boss na si Vic del Rosario.

As we all know, ilang panahon na ring nagpapa-dialysis si ’Nay Lolit dalawang beses isang linggo kaya naman tinawagan siya ni Boss Vic para kumustahin.

Kwento ni ’Nay Lolit sa kanyang Instagram account kahapon, “Binigla ako ng tawag ni Boss Vic del Rosario, Salve. Talagang kahit matagal kaming hindi nagkikita o nag uusap, nanduon pa rin iyon closeness sa boses niya.

“Aside from Mother Lily Monteverde, Manay Ichu Maceda, si Boss Vic ang isang producer na iginagalang ko. Kasi kung ano pinag usapan nyo, tinutupad niya, hindi niya babaguhin in the middle of negotiation.

“Talagang may isa siyang salita. Na miss ko tuloy bigla iyon mga presscon ng Viva. Iyon pagpunta ko sa office nila. Talagang iyon opisina ng Viva ang feeling mo welcome na welcome ka ever since.

Kaya naman matatag na matatag pa rin hangga ngayon dahil nga sa management ni Boss Vic del Rosario. Thank you Boss Vic for the call, appreciate much talaga.”

AUTHOR PROFILE