BBM MOST MODERN PORT IN PH–Si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, kasama si Batangas Rep. Jinky ‘Bitrics’ Luistro at iba pang stakeholders sa pagbubukas ng PTB sa Port of Batangas.

Most modern passenger terminal binuksan ni PBBM

April 26, 2024 Chona Yu 132 views
BBM1
BAGONG PANTALAN PARA SA BAGONG PH–Nag-uusap sina Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa inauguration ng bagong Batangas Passenger Terminal Building sa Batangas Port sa Batangas City noong Biyernes. Kuha Ver Noveno

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr, ang pagbubukas ng bago at pinagandang Passenger Terminal Building (PTB) ng Philippine Ports Authority (PPA) sa Port of Batangas.

Ito ang pinaka modernong PTB na pinangangasiwaan ng Asian Terminal Incorporated (ATI).

Nagkokonekta ito sa Luzon patungo sa MIMAROPA (Mindoro Oriental at Occidental, Marinduque, Romblon at Palawan), hanggang loilo, Negros, Cebu, at Mindanao sa pamamagitan ng fast crafts, ferries at roll-on/off ships.

“With the completion of this building, we now have an all-year clean and comfortable terminal from all over the world,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Binibigyan halaga ni Pangulong Marcos ang papel na ginagampanan ng PTB para sa pagpapalakas sa ekonomiya sa pamamagitan ng agricultural powerhouses, turismo at iba pa.

May lawak ang PTB na 1.5 ektarya na may high ceiling na 15 metro, full air-conditioned at mga food concession stands.

Sinabi naman ni PPA General Manager Jay Santiago na 22,000 pasahero kada araw ang kayang pagsilbihan ng PTB

“Batangas port is one of the busiest terminals, where during peak seasons, we accommodate up to 22,000 passengers in a single day.

The limited space of the terminal has always been a concern in the past. That’s why we expanded it from 2,500 passenger capacity to 22,000 passenger capacity at the Batangas passenger terminal
bulding.

This is now our largest terminal,” pahayag ni Santiago.

AUTHOR PROFILE