Default Thumbnail

Alalay piping saksi sa harutan ng beteranang aktres at dating sexy star

April 26, 2024 Jun Nardo 64 views

PAMPABUWENAS ng isang veteran actress ang isang sexy star-turned-serious actress.

Eh, nu’ng nagsama ang dalawa sa movie, hiwalay sila ng tent na holding area.

Pero kapag dumarating ang veteran actress, agad niyang ipinatatawag sa kanyang alalay si sexy actress para pumunta sa tent niya.

Masunurin naman si alalay at kapag pumasok na sa loob ng tent ni veteran actress si sexy star, nasa isang tabi lang si alalay.

Matapos ang kumustahan, agad sasabihin ni veteran actress sa sexy star ang, “Pampabuwenas naman diyan!”

Masunurin naman si sexy actress. Agad maghuhubad at ilalabas ang boobs at saka naman susubsub sa boobs niya si veteran actress.

Gulat man si alalay, nagsisilbi na lang siyang piping saksi sa tahimik na ginagawa ng veteran actress sa sexy star, huh!

Hindi na nagkakasama sa movie ang dalawa matapos ang pelikulang ginawa nila.

ANNIVERSARY CONCERT IDEYA NI BOSS VIC

KUMAPARE ng veteran songwriter na si Cecille Azarcon ang yumaong si Rico Puno. Pero never niyang nagawan ito ng kanta nu’ng nabubuhay pa na ikinalungkot din niya.

Pero inihayag ni Cecille sa kanyang Zoomcon na natuwa siya dahil ang ginawang kanta na Lift Up Your Hands, eh, kinanta ng mga anak niya sa huling sandali nito sa mundo.

Maging si Zsa Zsa Padilla, hindi rin niya nagawan ng kanta. Pero sa kanyang 45th anniversary concert sa May 24 and 25 sa The Theater sa Solaire, laking-saya niya dahil pumayag ito na maging isa sa guests niya.

Alam na ninyong sa unang hit song niyang Lift Up Your Hands, tumanggap siya ng advance royalties na P200 na malaki na nu’ng mga panahong ‘yon.

Kahit based na sa California, iniisip pa rin ni Cecille na magturo ng song composition at workshops lalo na’t kumpleto na rin ang buhay niya.

Handog ng Viva Live ang Cecille Azarcon 45th anniversary concert na idea ni Boss Vic del Rosario na na-inspire sa concert ni Louie Ocampo.

AUTHOR PROFILE