Jake sinundo pa sa Europe ang anak na si Ellie

August 30, 2022 Aster Amoyo 204 views

Jake

KASALUKUYANG nasa Europe ang engaged couple na sina Andi Eigenmann at surf champion Philmar Alipayo kasama ang kanilang mga anak na sina Lilo at Koa with Andi’s eldest daughter (sa actor na si Jake Ejercito) na si Ellie.

Ang France-based son ni Philmar na si Kanoa( sa kanyang dating nakarelasyon) joined them for the tour.

While in Europe ay sumunod naman sa “The Islanders Fam” ang ex-boyfriend ni Andi at ama ni Ellie, ang actor na si Jake Ejercito para sunduin ang kanilang anak para naman sa pagpapatuloy ng kanilang Europrean tour with Jake’s family.

Pagdating kay Ellie (10) ay walang hindi napagkakasunduan ang dating magkasintahang Andi at Jake.

Whenever Ellie is in Manila for her studies, she stays with her dad (Jake) pero during school breaks ay nasa Siargao ito with her mom (Andi) and family.

Marami naman ang hanga kay Jake dahil unlike other guys, sobra nitong ipinapakita ang kanyang labis na pagmamahal sa anak kay Andi. Katunayan, ipinaglaban pa niya ang kanyang karapatan bilang isang ama kay Ellie.

Samantala, sunud-sunod ang TV projects ni Jake sa bakuran ng ABS-CBN. Napapanood siya ngayon sa hit primetime TV series na “The Family Affair” kung saan niya mga kabituin sina Ivana Alawi, Gerald Anderson, Sam Milby, Jameson Blake at iba pa.

Si Jake ay nasa pangangalaga ngayon ng Star Magic ng ABS-CBN.

Although may pagka-late bloomer man siya sa showbiz dahil binigyan niya ng priority ang kanyang pag-aaral sa ibang bansa, natutuwa naman siya sa takbo ng kanyang career ngayon.

Si Jake ay isa sa mga anak ng actor-politician na si dating Pangulong Joseph Estrada sa dating aktres na si Laarni Enriquez.

Bago pinasok ni Jake ang showbiz ay nagtapos siya ng Politicial Science sa Queen Mary in London and took his master’s degree in marketing sa Northumbria University in Singapore.

Since nasa pamilya rin ng mga Ejercito ang politics, hindi kami magtataka kung susunod din siya sa yapak ng kanyang ama at mga (half) siblings na sina Sen. Jinggoy Estrada at Sen. J.V. Ejercito at mga pinsan na sina E. R. Ejercito at Gary Estrada among others. But for now, gusto muna niyang i-enjoy ang showbiz and his 10-year-old daughter na si Ellie.

Barreto

Marjorie proud sa anak na si Claudia

SINGLE mom actress Marjorie Barretto is proud of her third daughter, singer Claudia Barretto who just graduated from college sa Ateneo de Manila University where she took up Psychology.

“Congratulations Claudia! I will never forget how happy you made me feel today. I am so proud of you. You are so ready for this new chapter in your life. I will always be behind and beside you. I love you, I love you, I love you! (heart emoji).

“Thank you Lord,” post ni Marjorie sa kanyang IG.

Si Claudia ay second child ni Marjorie sa kanyang ex-husband, ang actor-comedian na si Dennis Padilla, their eldest being actress Julia Barretto and youngest son na si Leon Barretto.

Ai Ai at Miguel nagkasamang muli sa kasal ng anak

ESTRANGED couple Ai-Ai de las Alas and L.A.-based singer-actor Miguel Vera were both present sa intimate civil wedding ceremony ng kanilang second and youngest daughter na si Sophia de las Alas sa fiancée nitong si Vincent Bautista na ginanap last Monday (August 29) afternoon sa Albertson Wedding Chapel in Los Angeles, California, USA.

Ang dating mag-asawang Ai-Ai at Miguel ay may dalawang anak, sina Nicolo at Sophia. Ang dalawa ay parehong nagtapos ng kanilang pag-aaral sa Amerika.

Dumalo rin ang present wife ni Miguel na si Priscilla Salud at anak nilang si Miggy habang kasama naman ni Nicolo ang kasintahan nitong si Tiffany.

Ang panganay na anak ng singer, actress-comedian at entrepreneur na si Ai-Ai, ang actor na si Sancho de las Alas ay anak ni Ai-Ai sa yumaong actor na si Rey Malte Cruz.

Ai-Ai is happily married for almost five years now sa kanyang young husband na si Gerald Sibayan. The couple got married on December 12, 2017 and will be celebrating their 5th wedding anniversary this year.

Although contract star si Ai-Ai ng GMA, pabalik-balik siya ng Amerika at Pilipinas dahil na rin sa kanyang mga anak at isa na rin siyang US greencard holder.

Melissa

Melissa buntis sa pangalawang anak

KAPAMILYA actress Melissa Ricks is currently pregnant with her first child with husband Michael Macatangay whom she married in an intimate civil wedding ceremony in a California chapel in the US on May 23, 2021 which was followed by a garden reception.

Melissa has a seven-year-old daughter sa dati nitong partner na si Charles Togezaki.

Bago nag-asawa si Melissa ay na-link siya noon sa iba’t ibang actor tulad nina Paul Jake Castillo, Jake Cuenca, Matt Evans maging ang actor-politician na si Jolo Revilla.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE