Kris

Super comedy kami ni ate — Kris

August 30, 2022 Vinia Vivar 310 views

Okay naman pala ngayon si Kris Aquino base na rin sa post ng kasamahang Dindo Balares na as we all know ay very close kay Krissy.

Ayon kay kapatid na Dindo ay ka-chat niya si Kris last Sunday. Masaya’t masarap pa rin daw itong kausap.

Antok nga lang ito nang magka-chat sila pero magbitaw pa rin ng linyang “super comedy kami ni ate.”

Ang ate na sinasabi ni Kris ay si Ballsy Aquino.

Ito rin ang ibinalita ni Ogie Diaz sa kanyang latest vlog.

Okay si Kris ngayon at ang pinaghuhugutan ng lakas nito para lumaban sa sakit niya ay ang kanyang dalawang anak na sina Joshua at Bimby.

’Yun nga lang, pahinga muna talaga sa social media si Kris at naka-focus sa kanyang treatment sa US ngayon.

Marami kasi ang nag-alala kay Kris nang i-reveal ni Ballsy na apat na ang auto immune disease niya ngayon na dati ay dalawa lang.

Pero likas na fighter si Kris kaya naman patuloy siyang lumalaban sa kanyang sakit at ipinagdarasal din ng marami na talagang sana’y mapagtagumpayan niya ang kanyang dinaraanang problema sa kalusugan.

BEA, MATAGAL PANG IKAKASAL — DIREK GINA

Sa tinagal-tagal ni Gina Alajar sa industriya, first time niya pa lang niyang na-meet si Bea Alonzo nang magkasama sila sa Pinoy adaptation ng Start-Up PH sa Kapuso network.

“First time kong makatrabaho si Bea. First time ko rin siyang ma-meet. Kasi, ’di ba, nandu’n naman siya sa kabilang channel (ABS-CBN). Siguro, kung hindi siya lumipat, baka I wouldn’t have a chance to work with her,” pahayag ni Gina sa solo online mediacon niya for Start-Up Ph kamakailan.

Puring-puri nga ng veteran actress/director si Bea na napakabait at binati pa niya ang magulang nito for raising her well.

Bukod sa mabait ay matalino rin daw si Bea.

Biglang dagdag ni Gina, “Matagal pa siya bago ikasal. I don’t know lang, ha? Pero she’s so in love kasi.”

Sa mga kwentuhan daw kasi nila ay sinabi ni Bea na marami pa itong gustong gawin sa buhay.

Pagdating naman sa pag-arte ay wala rin siyang masabi kay Bea.

“She comes to the set prepared. She comes to the set early,” sey pa ni Gina.

Ginagampanan ni Gina sa Start-Up PH ang role ni Lola Ligaya (Mrs. Choi), lola ng mga karakter nina Bea at Yasmien Kurdi.

Siya ang mabait na lola na tutulong kay Good Boy o si Tristan na ginagampanan naman ni Alden Richards.

AUTHOR PROFILE